Saturday, July 7, 2012

edited pic












MAIKLING KASAYSAYAN NI SANTA ANA

Ana( sa Ebreo, Biyaya) ang pangalan ng naging asawa ni Joaquin na mula sa tribo ng Juda at sa lahi ni Haring David. Ang pinakamalaking biyayang dulog ni Santa Ana ay ang kanyang anak  na si Maria Santisima, ang Ina ng Diyos Anak na nagkatawang tao.

Bilang isang tagapaglingkod ng Diyos, si San Joaquin ay sumusunod sa atas ng tradisyon at hinahati ang kanyang kabuhayan sa tatlong bahagi taon-taon. Ang unang bahagi ay binibigay sa templo, ang pangalawang bahagi ay sa mga mahihirap at ang naiiwan ay para sa kanyang pamilya.
Sinasabing si San Joaquin ay nanalangin nang apatnapung araw sa ilang upang himingi sa Dyos ng Anak. Si Santa Ana man ay nanalangin sa Diyos at idinaing sa Panginoon ang kanyang kadustaan. Tinugon ng Panginoon ang kanilang panalangin kaya't sa kanyang katandaan ay naglihi si Santa Ana.

Ang banal na kasulatan ay walang binabangit tungkol kina Santa Ana at San Joaquin, subalit sa tradisyon at liturhiya ng ating simbahan ay ipinahahayag ang mataas na papuri sa mga katangian ni Santa Ana sapagka't siya ang naging Ina ni Maria, ang Ina ni Kristo. Sa pamamagitan ng kanyang  mga karapatan at biyaya ay naghigitan ni Santa Ana ang mga kababaihan sa kayng kapanahunan tulang ng binabanggit sa salmo" Ang biyaya ya namumutawi sa iyong mga labi kaya't ikaw ay pinagpala ng Panginoon magpakailan man" (Salmo 136).

Ang pamimintuho kay Santa Ana ay nag-uugat sa bigkis na bumubuklod sa kanya at kay Maria na Ina ng Berbo na nagkatawang tao, na kanyang apo. Ang kanyang kadakilaan ay napabantog sa mga unang Kristiyano at noong ika-anim na siglo ay itinayo sa Constantinople ang isang simbahan para sa kanyang karangalan. Sa halos ganoon ding panahon ay itinayo sa Herusalem sa pook na kanyng sinilangan ang isa pang ding simbahan. Maraming mga simbahan, kapilya ant samahan ang itinatag at inialay sa kanyang karangalan.

Nagsimula ang pamimintakasi kay Santa Ana sa kanluran noong ikawalngo siglo at ito'y lubusang lumaganap noong ikalabing-apat na siglo. Noong Hulyo 26, 1584, ay ipnagdiwang ang kapistahan ni Santa Ana sa buong simbahang Latino. simula noon ay lalong natanyag si Santa Ana. Ang dalawang pinakatanyag na simbahan niya ay ang St Anne d' Auray sa Britanya at ang St Anne de Beaupre sa Quebec, Canada. Si Santa Ana ay itinalagang pintakasi ng mga ginang ng tahanan at noon 1623 ay nagpakita siya kay Ives Nicolazic de Kerenna, malapit sa Auray.

Isa sa mga dahilan ng katanyagan ng pamimintakasi kin Santa Ana at San Joaquin ay ang kanilang malapit na kaugnayan sa buhay ng Mahal na Birhen. Sila ay nagsilbing huwaran ng mga mag-asawa at sa kanilang pamumuhay bilang isang pamilya (family life) ay ipinakita sa atin ang banal na pamumuhay ng isang angkan. Nakadagdag pa rito ang katotohananng ang mga nuno ay bahagi ng isang pamilya. Sina Santa Ana at San Joaquin ay naging sagisag ng paghihintay sa Mesiyas sa Lumang Tipan at kasama si Maria ay pinakita sa atin ang pakikipag-isa ng Diyos sa sangkatauhan.

Isa sa maraming himalang iniuugnay sa Mahal na Poong Santa Ana ay naganap noong mga huling araw ng panankop  ng mga Hapones. ang kalalakihan sa bayan ng tagig ay kinulong ng mga Hapones sa simbahan upang marahil ay patayin. Ang nayon ng Ususan ay sinunog at ang mga nagtangkang magligtas ng ilang gamit ay binaril ng mga kawal Hapones. May balak ang mga Hapones na hindi mabuit sa mga mamamayan. Ayon sa mga saksi, bigla na lamang dumating ang ilang kawal amerikano sa dakong Bambang at nang makita ang opisyal ng mga Hapones at ilang kasama na lulan ng bangka, ang mga ito ay pinaputukan. Nasawi ang opisyal na Hapon at mga kasam at dahil dito ay hindi na natuloy ang ano pa mang masamang balak. Ang mga Hapones ay lumisan at ang Tagig ay naging "liberated". Kaya pala biglang dumating ang mga kawal ng Amerikano noon ay nasa Upper Bicutan ay dahil sa mag-inang ay kamukhang-kamukha ng mga imahen ng Santa Ana at ng kaniyang anak na si Mariang naluluklok sa simbahan.